Logo: Empowering the differently able persons
Jump to Content

Photo Ms. alice
Filpino translation by Ms. Alice Aldovino and

Photo Ms. Irene
Ms. Irene

Pag-aalay

Bago ang lahat nais ko na bigyan pansin ang aking kaibigang si Topong Kulkanchit.

Nagkakilala kami ni Topong noong taong 2005. Napagtulungan namin ang katuparan ng pagbuo ng pagpupulong sa taong 2007. Higit ang kanyang pagsusumikap na maging maagap ang paghahanda sa pulong na ito kung kaya't naging matagumpay ang pagpupulong sa tulong ni Saowalak Thongkuay at Sawang Srisom at mga kagrupo.

Salamat. Inaasahan ko ang susunod na pagpupulong sa Singapore sa taong 2009. Isang hamon sa ating lahat na ipagpatuloy ang mga pagsisikap na ginawa ni Topong

Turismong Pangkalahatan: Ang Bagong Kapulungan para sa sa Karapatan ng May Kapansanan

Dr. Scott Rains, The Rolling Rains Report

San Jose, CA, USA - srains@oco.net

Paglalahad sa International Conference on Accessible Tourism (ICAT) 2007 (Bangkok, Thailand)

Mga Huwaran ng May Kapansanan

Narito tayo upang gumawa ng isang pangmalawakang kaisipan. At ito ay isang napakalaking gawain.

Ang mga nagiisip ay nagbibigay ng katawagan sa kanilang mga ideya - pagkakakilanlan na madaling maunawaan. Sa usaping tungkol sa Maykapansanan, ang tawag natin sa "pakete ng ideya" na ito ay modelo ng kapansanan.

Ang modelo ng Kawanggawa, ang modelong Medikal, at ang modelong Panlipunan ay mga pangalan na kadalasan nating ginagamit. Ang dalawang nauuna ay tumutukoy sa mga taong may kapansanan bilang tagatanggap sa halip na pagmulan ng aksyon. Ang Modelo ng Kawanggawa ay tumutukoy sa taong may kapansanan bilang tagatanggap ng mga moral na responsibilidad buhat sa mga kumakalinga sa kanila. Sa Modelong Medikal ay nalilimita naman ang responsibilidad sa mga taong may propesyonal na kaalaman tungkol sa Panggagamot. Pareho itong naglalarawan ng hangganan ng mundong kinabibilangan ng mga taong may kapansanan: Ang mundo ng pamilya , ng simbahan at mga samahang nagbibigay tulong sa Modelo ng Kawanggawa at ang daigdig ng mga manggagamot o ng kanilang kinatawan sa Modelong Medikal sa pag-aakalang ang tanging hangarin ng isang taong may kapansanan ay mapagaling sa kanilang kapansanan.

Ang dalawang modelong ito ay nagiging hadlang sa mga taong may kapansanan na magpahiwatig sa larangan ng pulitika at makilahok sa ekonomiya bilang taong may sapat na gulang dahil ang dalawang modelong ito ay maliit lamang ang mundong sinasaklaw sa tunay na mundo ng mamamayan.

Matapos ng una kong mga sinabi, alam na ninyo na ang imumungkahi ko ay ang Modelong Panlipunan. Pinaniniwalaan nito na ang mga taong may kapansanan ay nabibilang sa tunay na mundo, ang buong mundo-katulad ng ibang tao! At iyon ay isang napakalaking mundo.

Ang Pandaigdig na Disenyo o Universal Design ay siyang nagtutulot sa atin na manirahan sa ating tahanan sa daigdig na ito. Ang arkitektong si Ron Mace na gumagamit ng silyang de gulong, kasama ang kanyang mga kapanalig, ay gumawa ng batayan para sa lahat ng aming gagawin sa pagpupulong na ito sa pamamagitan ng pag-buo ng Pandaigdig na Disenyo sa loob nang mahigit na 30 taon. Nauunawan ng mga utak sa Samahan ng Pagsulong para sa Karapatan ng Mga Maykapansanan na sa ating hangarin na lumahok sa lipunan ay kakailanganin ang magarang solusyon upang makamit ang nais maabot ng mga may kapansanan. Ang pitong prinsipyo na nag-uuri sa Pandaigdig na Disenyo o Universal Design ay nagmula sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang katayuan sa buhay, lakas, o ang antas ng kakayahan. Natural na ang bawa't tao ay may pagkakaiba - ang pagbabago sa kakayahan ang nagiging batayan ng pag-uuri sa mga tao sa pagdaan ng panahon. Ang pagiging "abot ng may kapansanan ng turismo ay kapakipakinabang din para sa mga lumalaking populasyon ng mga matatanda.

Ang Pandaigdig na Disenyo ay isang balangkas ng disenyo ng mga lugar, bagay, mga impormasyon, komunikasyon at tutunin para maging kapaki-pakinabang ang mga ito para sa malawakang uri ng mga tao sa iba't ibang antas ng kalagayan na walang natatangi o hiwalay na disenyo. Sa payak na pananalita, ang Pandaigdig na Disenyo ay disenyo ng lahat ng bagay na nakasentro sa katauhan na isinaalang-alang ang lahat at walang tinatangi.

Pagsulong 1: Ang Paglikha ng Merkado

Sinabi ko na nandirito tayo upang mag-isip subali't upang mas kumpleto, idaragdag ko na nandito rin tayo upang managinip. Ang imahinasyon ay nabubuhay sa isang tao kung ang hangganan ng kaniyang mundo ay lumalago mula sa pamilya tungo sa isang mas malaking institusyon at sa panghuli ay sa walang hangganan at malayang partisipasyon sa buong mundo. Ang mangarap ay isang hakbang sa pang-malawakang pag-iisip. Ang ginagawa natin ay nauunawaan ng mga taong nagtatrabaho sa pandaigdigang industriya ng paglalakbay. Nagbebenta tayo ng pangarap at ginagawa natin itong totoo. Habang ang komunidad ng may kapinsalaang pisikal ay umaaksyon para sa pangarap na pandaigdigang pakikibahagi, ang industriya ng paglalakbay ay tumatangkilik sa kanila bilang mga inaasahang parokyano.

Ako ay naimbitahan dito upang magsalita para sa pandaigdigang pagsulong sa turismo o paglalakbay para sa lahat nga tao.

Nailahad ko na sa inyo ang unang pagsulong. Ang isang grupo ng mga tao na may kapansanan ay nagkasama-sama. Sila ay mga aktor. Sila ay mga pwersang pulitikal at ekonomiya. Sila, tayo, ay nagpunta dito upang sabihing may mga pangarap tayo. At ang pangarap na iyon ay ang kalayaang maglakbay. Sila ay naging parokyano at nagkaroon ng sariling tinig.

Habang tayo ay nagkatipon-tipon sa loob ng dalawang araw sa Asya, may grupo ng mga tao na nagbuhat sa Europa na pauwi naman. Katatapos lamang ng dalawang araw na pulong para sa pang-maykapansanang paglalakbay ng Ugnayang para sa Turismong Pangkalahatan ng Europa (ENAT-European Network for Accessible Tourism) sa pamumuno ni Ivor Ambrose.

Ang pagsulong na ito - ang pangarap na ito - ay pandaigdigan sa mga taong may kapansanan.

Sabay-sabay tayong mag-isip ngayon.

Pagsulong II: Batay sa Karapatan at Batay sa Pagkakakitaan na Pamamaraan sa pagtugon sa Kapansanan.

Ang ikalawang pagsulong nakikita natin ay ang batay sa pagkakakitaan na pamamaraan sa kapansanan" ay di mahihiwalay sa tema ng ating pulong na batay sa karapatan na pamamaraan sa pagtugon sa Kapansanan." Si Aiko Akiyama ang susunod na magsasalita hinggil sa Milenyong Layunin ng Biwako (Biwako Millenium Goals) kung saan ang karapatan at pagunlad ay makikiisa sa turismo. Mayroon bang batay sa pagkakakitaan na kapansanan para sa industriya ng paglalakbay?

Sa pananaliksik ni Eric Lipp at Laurel van Horn ng Samahan ng Mga Bukas na Pintuan ng Horn (Horn of the Open Doors Organization), itinuro sa atin na ang mga matatandang Amerikano na may mga kapansanan o kaya'y mabagal ang mga pagkilos, ay karaniwang gumagastos sa kasalukuyan ng $13.6 bilyong dolyar bawa't isang taon sa turismo. Noong taong 2002, itong mga taong ito ay nagsagawa ng 32 milyon na paglalakbay at gumastos ng $4.2 bilyon sa mga hotel, $3.3 bilyon sa mga tiket ng eroplano, at $2.7 bilyon sa mga pagkain at mga inumin habang naglalakbay.

Sa U.K. 10 milyong matatandang may mga kapansanan ang may taunang lakas ng pamimili ng 80 bilyong librang esterlina (80 billion pounds sterling). Noong 2001 ang mga matitipid na mga Canadian na may mga kapansanan ay may nakalaan na 25 bilyong dolyares ($25 ) sa paglalakbay. Ang mga Amerikanong may mga kapansanan o mabagal na pagkilos ay mayroong 175 bilyong dolyar ($175) bilang lakas ng pamimili/tagapamili.

Batid ng mga mga Barkong pangturismo mula sa kanilang pananaliksik na 12 pursyento ng may mga kapansanan ay mas gusto ang paglalakbay-pangkaragatan, kung ihahambing ay 8 pursyento naman ng populasyon pangkalahatan ang mas nais ang paglalakbay-dagat. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong may kapansanan ay palagian parokyano: 59 pursyento ang nagsasabing balak nilang muling maglakbay-dagat. Ang paglikha ng abot-maykapansanan na bapor, daungan ng barko, abot-maykapansanang transportasyon na pang-lupa, at destinasyong kayang puntahan ng may turistang may kapansanan sa siyudad na daungan ay hindi isang kawanggawa. Ito ay isang mainam na negosyo! Sa ilang sandali sasabihin ko sa inyo kung paano ang mga namumuhunan sa Hilaga at Timog Amerika ay sama-samang nagsikap upang mabuo ang isang negosyo.

Pagsulong III: Istandardisasyon sa Mga Darating na Taon

Noong nakaraang dalawang taon ang grupo namin ay nagsama-sama at nagsimulang magbalak para sa kasalukuyan. Noon ay madali ang pag-uulat ukol sa mga kalakaran sa abot-maykapansanang turismo. Ang huwaran ay malinaw. Ang kalakaran ng 2005 ay isang eksperimentasyon at panglokal na pamantayan sa kontroladong kapaligiran tulad ng mga "makabagong pulo" na matatagpuan sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang karamihan ay mga tunay na mga pulo tulad ng Crete, Hawaii, Tenerife, Japan, St. John's Virgin Islands, at Tasmania o kaya sila'y mga nahihiwalay na rehiyon tulad ng Western Australia.

Ang pagsulong noong 2007ay di gaanong ukol sa bagong imbensiyon ngunit higit patungkol sa pangmalawakan na istandardisasyon sa pandaigdigang antas . Ito ay bagong panahon ng kaganapan subali't ito ay matatapos pagkaraan ng mga dalawang taon kapag tayo ay nagkita sa susunod sa Singapore - kasama ang ating mga kaibigang Europeo.

Sa mga darating na dalawang taon ang mahalagang pagsulong sa buong daigdig ay magpapatuloy sa pagtataguyod ng mga pangmalawakan na pamantayan. Minsan, para itong isang laro ng hilahan ng lubid sa magkabilang direksyon; ang isang direksyon ay humihila papunta sa pangkarapatang pamamaraan at ang isa ay papunta sa paraan pagkakakitaan. Ang una ay nagsimula sa mga taong may kapansanan bilang mga mamamayan; ang pangalawa ay bilang mga parokyano. Ang unang panukatan ay nagsasalita sa lenggwahe ng pamahalaan; ang pangalawa sa pahayag ng negosyo. Epektibo ang pamantayan kung ang mga taong may kapansanan ay aktibo sa pagsusuri ng parehong panukatan. Sa katunayan, ito ang layunin ng ating organisasyon. Ito ang tinig ng mga taong may kapansanan sa pakikipag-uusap sa pamahalaan at kalakalan na mapaglingkuran ang interes ng tatlong grupo tungkol sa larangan ng paglalakbay at magiliw na pagtanggap.

Hayaan ninyong pangunahan ko ang taong 2009 ng isang marangal na pahayag tungkol sa makaysayang kahalagahan ng araw na ito:

Ang industriya ng turismo ay naging paraan para sa kabutihang panlipunan. Ang mga gawain ng industriya ay lalong tumatangkilik sa berdeng disenyo (green design) at sa gawaing nangangalaga sa ekolohiya. Sa pamamagitan ng Pandaigdig na Disenyo o Universal Design ang turismo ay naging behikulo ng bagay na puspusang ipinaglabang maipahayag at matamo ng Samahan ng Pagsulong Para sa Karapatan ng May Kapansanan sa loob ng mahigit 30 taon. Kaya ngayong araw na ito ating ilagay ang samahang ito sa isang bagong direksyon kasama ang ating mga kasosyo buhat sa negosyo at pamahalaan. Ang pagtataguyod ng abot-maykapansanan na paglalakbay ay tutungo sa lahat ng bansa sa Asya.

Ang pagsulong sa ating muling pagtatagpo sa Singapore sa 2009, kasama ang ating mga kapanalig sa ENAT buhat sa Europa, ang siyang paglitaw ng Sentro ng Kagalingan (Centers of Excellence) na maayos na maghahasik ng mga pagbabago, mga makatwirang pamantayan, at matatas na serbisyo sa parukyano nang may paggalang sa mga karapatan at dignidad ng mga taong may kapansanan. Pagkatapos ng ICAT 2007 maglalaan ako ng panahon upang sumangguni sa pamahalaan at mga namumuno sa industriya sa Pattaya upang tingnan kung magagawa nating ang Thailand na isa sa pangunahing Sentro. Ako ay tutulong sa UNESCAP sa paglikha ng mga patnubay.

Batay sa aking mga gawain sa buong mundo ako ay mayroong tatlong kaso na naglalarawan ng kasalukuyang kalakaran sa pagbuo ng panukatan ng pinakamainam na pamaraan: isang halimbawa sa Timog Amerika, isa sa Hilagang Amerika, at isa sa Afrika. Sama-samang dinadala ng Timog Amerika ang apat na bansa sa industriya ng lakbay-dagat na abot-may kapansanan. Ang mga opisyal ng parke ng Hilagang Amerika ay nagdala ng isang kasosyo sa negosyo at nagtanghal ng abot-maykapansanang turismong-kultural. Ang Africa ay naghuhubog ng isang kalakarang kontinental na turismong abot-maykapansanan sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsuporta sa isang empresaryong may kapansanan na tagaguyod ng mga safari.

Tatlong Kaso

Halimbawa 1: Timog America

Ang Inter-American Institutle on Disability and Inclusive Development ay lumikha ng ugnayan upang palawakin ang abot-ng-may-kapansanang paglalayag sa karagatan mula Hilagang Brazil papunta sa Tierra del Fuego sa dakong timog ng tuktok ng Argentina.

Noong taong 2007 ang mga tagapagtaguyod ng may kapansanan at mga organisasyon, pamahalaan, akademiko, lakbay-dagat, at industriyang turismo na nakabase sa lupa ay nagkasama-sama bilang magkakasosyo upang simulan at gamitin ang mga pamantayan, imprakstura, at mga alituntunin para sa kasiguraduhan ng kalidad ng karanasan sa paglalakbay sa pagitan ng Brazil, Uruguay, at Argentina para sa mga matatanda at iba pang may kapansanan. Ang mahalagang aktibidad sa panahong ito ay sa Brazil kung saan siya ang susunod ng magiging punong-abala sa internasyonal na pagpupulong ukol sa Abot-ng-Maykapanasanang Turismo (Accessible Tourism) sa buwan ng Mayo,2008.

Ang mga indibiduwal sa ugnayan ng Timog Amerika ay nagsimulang lumitaw sa medya, magsalita sa mga pulong ukol sa turismo, at magsulat ng mga artikulo tungkol sa kahalagahan ng kalakalan ng paglalakbay kasama ang may-kapansanan at kanilang kapangyarihan sa pamimili. Ang isa sa aking kapaki-pakinabang na gawain ay ang makipagtrabaho kasama ang mga estudyante ng unibersidad at mga batang propesyonal sa timog Amerika habang ginagabayan ang kanilang pagsasaliksik, ang kanilang napiling propesyon, at kanilang mga hanap-buhay o negosyo.

Sa panahong ito rin ang ganap na mga arkitekto tulad ni Veronica Camislao ay gumuhit ng mga plano para sa pinagbuting terminal ng mga barko. Si Silvana Cambiaghi na isang arkitekto at gumagamit ng silyang de gulong ay kauna-unahang naglimbag ng isang buong aklat ukol sa Pandaigdig na Disenyo (Universal Design). Ang mga dalubhasa ng museo tulad ni Viviane Panelli Sarraf ay sabay na naglaan ng atraksyon sa pandaigdig at lokal na turista na may mga kapansanan sa pamamagitan ng paggawa ng malalaking museo at iba pang madaling marating na pangkulturang lugar. Sina Dada Morreira, Ricardo Shimosakai, at iba pang may mga kapansanan ay nagbenta ng pangmay-kapansanan na pagliliwaliw sa kalupaan kabilang ang pagbabalsa sa ilog, paglalakad sa kagubatan, multi-sensory walks, parasailing at kamanghamanghang paglalakbak sa itaas ng mga puno.

Bilang karagdagan sa pasibol ng mga bagong negosyo ng mga taong may mga kapansanan, ang grupong ito ay nagsulat ng bagong regulasyon pangkaragatan upang magkaroon ng pamantayan sa Pangkalahatan sa paglalakbay-dagat, sa mga terminal at mga pampasaherong barko ng Brazil. Natukoy ng industriya at pamahalaan, na pinangungunahan ng mga propesyonal, mga tagapagtaguyod, mga may-ari ng negosyo na may mga kapansanan ang mga hindi nabibigyang serbisyo at sila'y nagbuo ng stratehiya upang ang mga ito ay tuluyang mapaglingkuran.

Nakita sa pagsasaliksik na habang ang isang tao ay naglalakbay-dagat ay lagi niyang ninanais na bumaba sa daungan ng barko at gumasta sa pagliliwaliw sa kalupaan. Alam natin na maraming taong may kapansanan ang naglalakabay-dagat. Alam din natin na umuulit sila nang mas madalas sa paglalakbay-dagat ng higit sa nakararaming tao. At sila ay hihigit sa proporsyon sa pamilihan na mahilig sa pagliliwaliw sa kalupaan. Ang Argentina ay nanguna sa kalakarang ito. Sila ay magkakaroon ng local na pagsasanay sa pagseserbisyo sa mga taong may kapansanan para sa industriyang turismong pang-rural na pinapasyalan ng mga pasahero ng barko sa kanilang pagliliwaliw sa kalupaan.

Palagi nating isaisip na kasama sa kapansanan ang pagtanda. Ang Samahan ng Bukas na Pintuan(Open Doors Organization) ay nakapagtala na may 50 porsyento pa ng mga grupo ng Amerikano ang nakapaglakbay sa pagitan ng 2002 at 2005, ayon sa kanilang pag-aaral - kahit na ang industriya ng paglalakbay ay walang anumang ginawa upang ito ay maging makahulugan. Ang grupong iyon ng mga taong may kapansanan at ang kasiyahan sa paglalakbay ay lalawak habang ang henerasyon ng WWII ay tumatanda. Ang pamilihang ito ay malaki at ang mga naglalakbay ay handang gumatimpala sa mga nagbuo ng kapaligirang magiliw sa pagtanggap at mapagbigay sa kanila. Ang isang halimbawa ay ang Estados Unidos.

Halimbawa 2: Hilagang Amerika

Sa Estados Unidos ang kalakarang pambuong-daigdig patungo sa istandardisasyon ng pamamaraaan ng pamahalaan, industriya, at mga taong may kapansanan ay nagaganap sa lugar ng Isla ng Alcatraz. Ang alam ng karamihan ukol sa matarik at mabatong isla na ito malapit sa San Francisco dahil sa napanuod nila sa mga pelikula na ito ay napakahigpit at pinakamatindi ang seguridad sa piitan. Ayon sa kasabihan, "Gibain mo ang mga tuntunin at ikaw ay mapupunta sa piitan. Gibain mo ang tuntunin ng piitan at ikaw mapupunta sa Alcatraz."

Sa kasalukuyan ang isla ay isang Parkeng Pambansa na pinatatakbo ng ilan sa mga masimbuyong tagapagtangkilik ng karapatang pang may-kapansanan sa U.S.Park service. Noong ikaunang mga araw ng Nobyembre nagkaroon ako ng oportunidad na mainspeksyon ang isla kasama ang National Accessibility Center buhat sa Unibersidad ng Indiana. Ang parke ay isang modelo para sa buong mundo at patuloy na tumatanggap ng mga bisitang opisyal ng parke ng iba't-ibang bansa at mga opisyal ng pamahalaan. Ang mga panuntunan ginagamit sa Alcatraz ay napalalaganap dahilan sa isa sa bawat apat na bisita ay nagbubuhat sa labas ng Estados Unidos at dinadala ang kanilang karanasan sa kanilang pag-uwi. Ang mensahe ng abot-ng-may-kapansanang turismo ay hindi nagbubuhat lamang sa pagpupulong tulad ng ating ENAT sa Europa o sa Mayo sa Brazil. Araw-araw ang mga taong galing sa Asya ang nararanasan ang aktwal na abot-ng-maykapansanang panuntunan sa Alcatraz.

Ang mabagal na pagkilos ng may kapansanan ang isang hadlang na dapat lagyan ng direksyon sa isla. Sa mahigit na isang dekada ang National Park Rangers, kasama sina James Adams at Rich Weiderman, ay nagimbento ng sistema ng trambiya para sa isla at bilang paghahanda sa pagsulong ng kalakaran na naghihikayat sa pag-iingat sa kapaligiran at upang panatilihin ang pagpapaunlad ng turismo. Sa pamamagitan ng motor na de-kuryente na dinesenyo para sa traktora na humihila ng jet ng eroplano sa paliparan, ginamit nila ang prinsipyo ng Pandaigdig na Disenyo upang gumawa ng isang malakas nguni't hindi mausok na trambiya. Tinantiya itong makakapagserbisyo sa 15,000 bisita ng parke sa unang taon. Ang lahat ay nagulat nang mabatid na 30,000 bisita ang gumamit nito. Sa ngayon, ito ay karaniwang ginagamit taun-taon ng may 70,000 hanggang 80,000 na bisita. Isaisip natin, na halos dalawampu't limang bahagi (25%) ng mga gumagamit nito ay mga taong nagnanais na ang ang abot- ng-mga maykapansanan at may-malasakit sa kapaligiran na serbisyong ganito ay maasahan nila sa sa sistema ng parke sa kani-kanilang bayan.

Ang isla ay maari lamang marating sa pamamagitan ng bangka at isa lamang kompanya, Alcatraz Cruises, ang naglilingkod sa isla. Sa kanilang kontrata, nakita nila na kailangan nilang mag-imbento ng makabagong uri ng piyer at sistema ng rampang daan. Sa paggawa nito, sila lamang ang may pasilidad ng paglakbay-dagat sa West Coast ng USA na nakapaglulan ng pasahero sa loob ng 365 na araw sa isang taon sa kahit anong uri ng panahon at agos. Ako, ay isang halimbawa, at walang hirap sa pag-alis sa isla noong araw na 580,000 ng galon ng tangker ng langis ay umapaw sa look malapit sa isla at ang parke ay sistematikong nagsara para sa di-inaasahang kagipitan. Ang istandardisasyon sa disenyo ng piyer at ang kasanayan sa paglisan ay naperpekto at naikalat ng Pambansang Parke ng Alcatraz sa pamamagitan nang mabuting pisikal na disenyo at pagpapahalaga sa kaligtasan. Ito ay patunay na ang kapakipakinabang na pagtutulong-tulong ng mga negosyante at pamahalaan kung saan ang pagbabago upang makamit ang pagiging abot-ng-may kapansanan ay nagresulta sa mas napabuting serbisyo o paglilingkod para sa mga taong walang kapansanan.

Dahil sa programa nilang abot-ng-makapansanan at lahat ng serbisyo at pakinabang na inihahandog ng parke bukod sa pisikal na daanan, ang Alcatraz ang unang nagbuo ng panuntunan at naging buhay na leksiyong pang-unibersidad bilang tunay na halimbawa .

Ang Alcatraz ang kaunahang parke na gumamit ng pandinig o audio sa mga paglilibot habang naglalakad, at pagsasalaysay sa pamamagitan ng mga boses ng tanod-gubat, mga datihang preso, at mga guwardiya. Ang sistemang ito ay matagumpay at ang maliit na kompanya na gumawa ng record at naglikha ng unang paglilibot na ganito ay naging tanyag sa buong mundo sa ganoong larangan at ito ay binili kamakailan ng isang tsanel ng telebisyon. Uulitin ko, ang accessibility o abot-ng-maykapansanan ay napatunayang kapakipakinabang at tagataguyod ng pagsulong.

Halimbawa 3: Africa

Ang huling halimbawa, ang Africa ay naglalarawan ng bagay na kakaiba.

Isa sa mahahalagang uri ng turismo sa Africa ay ang safari. Ito ay pinangangasiwaan sa isang hiwalay at malayong lugar. Ang ibig sabihin ang industriya ng safari ay may maliit na straktura upang pormal na maisakatuparan ang pinakamainam na mga pamamaraan . Sa kasong ito, ang pinakamahalagang pagsulong sa kasalukuyan ay ang resulta ng pananaw ng isa negosyanteng Europeo na gamit ang kanyang pangarap at matibay na upuang-de-gulong o wheelchair, ay dumalaw sa mahigit 130 hotels at destinasyong pang-turismo sa buong kapuluan. Si Gordon Rattray ang namamahala sa Able Travel. Sa kanyang paglalakbay, naipalaganap niya ang pamantayan sa pamamagitan ng indibidwal na pakikipagsangguni. Sa ganang ito, hindi ang pamahalaan o ang industriya ang namumuno, kundi ang samahan ng mga mismong maykapansanan.

Ang huling resulta ng pagsisiyasat ni Gordon sa buong Africa ay isang limbag na gabay para sa turista, "African Safaris for People with Limited Mobility". Sa ganyang paraan napalalaganap ang paggamit ng pamantayan sa pinakambuting pamamaraan o best practices tulad ng nagagawa ni isang amerikanong manunulat na si Candy Harrington sa pamamahigan ng kanyang babasahin or magasin na "Emerging Horizons" at ang kanyang mga aklat na "101 Accessible Vacations", "There is Room at the Inn", at "Barrier-Free Travels". Gumawa rin ng katulad na hakbang sa paglaganap ng pamantayan sa kaniyang aklat na "Easy Access Australia" si Bruce Cameron at madalas na nag-aambag siya sa pagaaral at pamamalakad ng mga Australiyanong guro na sina Dr. Simon Darcy at Dr. Tanya Packer. Maglalabas din ng disability lifestyle magazine si Mary Chen sa Malaysia, ang Challenges sa darating na Enero kung saan ako ay gagawa ng pagususulat sa paglalakbay. Ako ay nahilingan na magsaayos ng isang spesyal ng issue sa paglalakbay at may-kapansanan para sa babasahing pangakademya na Review of Disability Studies na inilimbag ng Unibersidad ng Hawaii. Inanayayahan din ni Dr. Sunil Bhatia ang mga guro na mag-ambag ng akda patungkol sa Thailand sa journal of the Designs for All Institute of India. Aking inaanyayahan ang sinuman sa inyo dito na nagnanais na magbigay ng akda, pamamahayag o usapin para sa paksang ito na makipagusap sa akin sa pagpupulong na ito.

Kabuuan ng mgs Nabanggit na Halimbawa:

Ang trabaho ni Gordon Rattray sa Africa ay isang Pagkakakitaan na pamamaraan sa pagtugon sa Kapansanan kung saan naitaguyod niya ang kaniyang sarili na isang may kapansanan na dalubhasa sa larangang ito sa kontinento ng Africa. Bilang tagapagpayo, naibenta niya at napalaganap ang panuntunan sa isang lupalop na matumal ang kalakal sa larangan ng turismo.

Sa kabilang dako, ginamit naman ng Inter-American Institute on Disability and Inclusive Development ang pamamaraang ayon sa Karapatan bilang tugon sa Kapansanan. Ang Timog America na may malawak na samahan at kalakal pangturismo ay gumawa ng napakahalagang dokumentaryo ukol sa Turismong abot ng mga May-kapansanan noong 2004. Ito ay tinawag na Rio Charter:Universal Design for Sustainable and Inclusive Development. Lalo itong pinalaganap ng lumalawak na ruta at destinasyon ng mga manlalakbay-dagat na may katulad din na pangangailangan. Ang pagpapakilala ng institiusyon tungkol sa karapatan ng mga May-kapansanan ay lalong nagpalalim ng karanasan ni Rosangela Berman-Bieler, ang nagtatag ng organisasyon na nakipag ugnayan kay Judy Heumann upang maitaguyod ang programa para sa kapakanan ng May-kapansanan. Ang dalawang kababaihang ito ay parehong gumagamit ng wheelchair o upuang may gulong at mga propesyonal sa pangdaigdigang pagsulong.

Sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng Alcatraz National Park ay nakasumpong tayo ng isa pang modelo. Dito, and mga pangunahing propesyonal na nagtatrabaho sa National Park System at ang mga kontratistang maglalayag ay pawang walang mga kapansanan . Napilitan lamang silang sumuporta dala ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa karapatan ng mga May-kapansanan at dahil sa pagpupumilit ng ilang propesyonal sa loob ng kanilang orginasasyon at marahil dahil din sa mga habla mula sa labas ng kanilang organisasyon. Dito, ginabayan ng mga propesyonal na walang kapansanan ang institusyon sa pamamagitan ng kanilang konsensya, legal na obligasyon at nakitang oportunidad sa negosyo. Dahil sila ay sikat sa buong daigdig sa larangan ng turismo, ang kanilang nabuong panuntunan ang naging paaralan ng Turismo para sa May-kapansanan sa sinumang bisita na nais matuto dito.

Ang mga kagawaran ng turismo, at mga kalakal na sinusuportahan nito ay nagsisimula nang gamitin ang mga resulta ng pag-aaral ng kaugalian sa paglalakbay ang kapangyarihang mamili ng mga Maykapansanan. Ang pagtatayo ng mga pasilidad at mga praktis sa negosyo ay naayon na sa Unibersal na Disenyo na noong una ay kinikilala lamang sa aming bansa at ngayon ay ginagamit na sa buong mundo. Dumarami na ang mga usapin ukol sa karapat-dapat at kapaki-pakinabang na mga paraan upang maakit ang mga may Kapansanan sa merkado. Sa nangyayari na ang pagpupulong na ito ay nagaganap ngayon sa tulong ng pamahalaan ng Thailand at suporta ng industriya ng turismo ay isang patunay ng pagpapahalaga ng mga pamunuan sa pakikilahok ng lahat ng sekta ng kanilang mamamayan kasama ang mga may kapansanan sa pagbuo ng magiliw na pook na aakit ng mga turista mula sa iba't-ibang sulok ng mundo.

Pagbabalik-aral

Pahintulutan ninyo akong tapusin ang aking talumpati sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod ng grupong may kinalaman sa ikatatagumpay ng turismong abot ng mga Maykapansanan: ang pamahalaan, ang kalakalan, at ang komunidad ng Maykapansanan.

Mga Pamahalaan

Mga Pamahalaan: Sa tuwing itinataguyod namin ang pamamaraan na ayon sa Karapatan sa pagtugon sa kapansanan, ito'y bilang paninindigan sa halaga at dignidad ng bawat tao. Itinataas namin ang bawat tao higit sa kaanyuan niyang pisikal, trabaho o kakayahan, higit sa kanyang pamilya, lahi o nasyunalidad. Ipinahahayag namin ang pagkilala sa alituntunin ng batas at pagtitiwala sa pamahalaan bilang tagapagtanggol ng kalayaan at karapatan na naitakda para sa lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng UN Declaration on Rights of Persons with Disability o Deklarasyon ng UN hinggil sa Karapatan ng mga taong Maykapansanan, hindi lamang ang sariling pamahalaan ang aming inaasahan na magpapatupad at magtatanggol. Nananalig kami na ang lahat ng pamahalaan ng lahat ng kapuluan ay hayagang tataguyod at magtatanggol ng karapatan ng mga Maykapansan bilang mamamayang tunay na kabilang sa lipunan habang sila ay nabubuhay.

Ang ayon sa Karapatan na pamamaraan bilang pagtugon sa kapansanan ay naniniwala na nararaapat lamang na may patas na opportunidad para sa mga Maykapansanan upang maranasan ang benepisyo ng paglalakbay at magiliw na pagtanggap maging sa pakikipagkalakalan o sa pamamasyal. Ang opportunidad na iyan ay nararapat na pisikal gaya ng mga desenyo ng gusali at transportasyon. At nararapat din na maranasan nila ang benepisyong di pisikal na tulad ng ibinibigay sa mga taong walang kapansanan, tulad ng simpleng respeto gaya ng pakikitungo din sa ibang parokyano. O maaring matinding pagpapaplano ng kasiguruhan at pag gabay na nauukol para sa mga taong may iba't ibang panamdam, kakayahang intelektwal, at pisikal o pagkilos.

Kalakalan

Kalakalan: Sa tuwing itinataguyod namin ang pamamaraan na Pagkakakitaan sa pagtugon sa kapansanan ay isinasa-alang-alang namin na ang pagnenegosyo ay nakatuon sa kapakinabangan o sa pakakikitaan nito matapos na maabot nito ang pinakamababang pamantayan na inatas ng batas at subok napamamaraan. Umaasa kaming makakasumpong ng pagkakaiba sa mga produktong inihahain ng bawat negosyo o kalakal. Umaasa kaming makakasumpong ng mga produktong pang- turistang Maykapansanan sa parehong mura at mahal na halaga sapagka't ang komunidad namin ay may iba't ibang antas din ng kakayahan bilang mamimili. Sa katunayan, umaasa kami na ang kalakalan ang magpapasimuno sa maunlad na pagbabago. Inaasahan naming ang magagara nilang imbensyon ay hahalina sa amin upang subukan ito gaya ng gamu-gamong naakit sa liwanag ng apoy. Kaya't pahintulutan ninyo akong ibahagi sa industria ang katawa-tawang imbitasyon mula kay Jesus Hernandez, director ng pang May kapansan na institusyon sa Espanya and ONCE Foundation, una sa orihinal na wikang espanyol:

"No te preocupes de mis derechos, preocúpate de mi cartera!" [Spanish]

sa Pilipino: " Huwag mo masyadong pag-aksayahan ng panahon ang aking karapatan, kundi ang iyong pagtuunan ng pansin ay ang aking pitaka!"

Mga negosyante, gawin ninyong mabuti ang inyong gawain. Gusto naming gastusin ang aming pera! Ayon sa pagsusuri, ang mga may kapansanan ay nagtataglay ng tatlong magkakaakibat na katangian na hinahanap ng mga ahente ng paglalakbay: may kagustuhang maglakbay, may perang panglakbay, at may kalayaang maglakbay.

Sa katunayan, ayon din sa pagsusuri na nabanggit ko kangina mula sa Open Doors Organization, itinatayang ang bilyong dolyares na ginugugol sa paglalakbay ng mga Amerikanong may kapansanan ay mabilis na madodoble kung maisasagawa lamang ang karampatang produkto para sa ikagiginhawa ng kanilang paglalakbay. Ito ngayon ay isang walang takot na pagtataya!

Ang Mga Taong Maykapansanan

Mga Taong Maykapansanan: Kapag kami ay naglalakbay, higit sa sarili namin ang aming kinakatawan sapagkat kami rin ay parte ng isang komunidad. Bilang isang may-kapansanan, dalawang mahalagang bagay ang lagi naming dala - kadalasan ay kumbinasyon nito. Pareho itong ikinagugulat ng mga taong nakikilala namin sa paglalakbay. Ang dalawang bagay na ito ay pera at tiwala sa sarili. Ang ibig kong sabihin sa Pera ay halagang higit sa barya ng aming bulsa. Sa tiwala sa sarili, ang ibig kong sabihin ay pagmamalaki at ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang tao na di nasusukat ng kayamanan o kahirapan. Kung ang isang maykapansanan ay nakapaglalakbay, ibig sabihin ay may-kaya ito. Ang ibig sabihin ay mayroon siyang kakayahang umutang at magbayad, may ipon, may pinag-aralan at maaring may propesyon na nangangailangan siyang maglakbay. At higit sa lahat, ibig sabihin nito ay may kalayaan at kakayahan na gumawa ng sariling desisyon kung paano patatakbuhin ang sariling buhay. Ang kumbinasyon ng dalawang bagay na ito ang pinakamabisang katangian sa pagbabagong panlipunan.

Maglakbay ka ngayon at makikita mo ang pagnanasa sa pakikipag-ugnayan at pagkakaisa ng mga taong Maykapansanan. Bilang isang kapalit na estudyante at manlalakbay dahil sa negosyo o pamamasyal man, kung ikaw ay isang Maykapansanan ay mayroon kang kakaibang oportunidad na maranasan ang iba't ibang anyo ng turismo na maaring di nararanasan ng iba. May maganda at mayroon ding kinakailangan pang pagandahin.

Ang mga susunod na dalawang taon ay magiging surpresa sa mga hindi pa handa sa Pagkakakitaan na pamamaraan sa pagtugon sa Kapansanan. May mga taong hihingi sa inyo ng tulong. Maaari kang magkaroon ng opportunidad na mag-ambag at hubugin ang industriya ng paglalakbay. Maari rin itong higit na ayon sa Karapatan na gaya ng sa pamamagitan ng pamahalaan, edukasyon, o patakaran. Maari din na ayon sa Pagkakakitaang pamamaraan gaya ng imbensyon, konstruksyon, pangangalakal o pagbebenta, o pagtatayo ng bagong negosyo.

Sa alinmang oportunidad na pipiliin, laging dalhin ang tiwala sa sarili at ang iyong pera sa daan. Maglakbay. Turuan mo ang industriya at patagin mo ang daan para sa mga susunod pa sa iyo!


Photo of Dr. Scott Rains Si Scott Rains, D. Min. ay palagiang nagsusulat ukol sa paglalakbay at mga isyu na kinawiwilihan ng mga taong maykapansanan tungkol sa mga kaganapan sa industriya ng turismo sa www. RollingRains.com.

Ang kanyang pananaliksik sa paksa ng Universal Design at sa industriya ng paglalakbay at Panunuluyan ay kasama sa pagiging residenteng eskolar sa Center for Cultural Studies sa University of California Santa Cruz (2004-05). Siya ay pangdaigdigang tagapagpayo ukol sa paglalakbay at panunuluyan ng mga Maykapansanan.

Maaring makipagugnayan sa kanya sa srains@coco.net

Go to top of page

Related papers, and links:

decoration line
HOPE is the DOOR of STRUGGLE that eventually bring SUCCESS (Akram)
decoration line

Valid XHTML 1.0 Transitional Valid CSS!